Introvert si Lonely Girl
March 10, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
A pleasant day to you. Matagal ko na pong gustong sumulat sa inyo kaso ay busy ako sa pagre-review sa NSAT. My problem is I don’t have a boyfriend hanggang ngayon. Kasi po ay nahihiya akong makipag-usap sa mga lalaki. Mula noong bata ako ay napakamahiyain ko at hanggang ngayon. Kasi ay pangit daw ako.
Sabi ng mga classmates ko ay masyado raw akong seryoso sa buhay at baka tumandang-dalaga raw ako. Pero hindi naman totoong seryoso akong masyado sa buhay dahil tumatawa rin naman ako kahit na hindi ako marunong makipagbiruan dahil wala akong sense of humor.
Ipinagdarasal ko po sa Panginoon ang hinihiling ko.
Umaasa at nagpapasalamat,
Ms. Lonely Girl
Dear Miss Lonely Girl,
Isa kang introvert. Ibig sabihin, takot kang makisalamuha lalo na sa mga lalaki. Pero hindi pa hopeless ang sitwasyon mo. Sa edad mo ngayon, you better start socializing.
Pero siyempre, yung mabuting barkada ang sasamahan mo para hindi ka mapahamak.
Dumalo ka sa parties at makipagkaibigan ka. Kung ayaw mong masyadong magsalita, at least makinig ka sa mga usapan at biruan ng mga ka-age mo. Tumawa ka kapag nakakatawa ang biruan.
In due time, made-develop din ang personalidad mo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am