Magsama na tayo mahal
January 7, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Hi! Kumusta po kayo? Isa rin po ako sa inyong tagasubaybay.
Dr. Love, itago na lang po ninyo ako sa pangalang Rosaxis, 21-taong gulang ng Concepcion, Iloilo.
Nagsimula ang aking problema nang minsang umuwi ako sa Iloilo at may nakilala akong isang guy na tawagin nating Libra Boy.
Hindi naman nagtagal at siya ay aking naging nobyo. Mahal na mahal ko po siya hanggang dumating sa aking kaalaman na mayroon na pala siyang pananagutan sa buhay.
Hindi ko matanggap ang lahat kung kaya’t nagpasya akong lumayo sa Iloilo at nandito ako ngayon sa Metro Manila at nagtatrabaho.
Dr. Love, sa mga araw na nagdaan, hindi ko akalaing masusundan pa niya ako rito dahil hindi raw niya kayang mawala ako sa buhay niya kahit siya ay may asawa. Umalis siya sa Iloilo para makita niya ako. Hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya.
Ano po ang gagawin ko? Sinabi niya sa akin na lalayo na raw kami para magsama.
Nahihirapan na ako sa kalagayan ko ngayon dahil hinihintay niya ang desisyon ko. Mahal ko rin ang aking mga magulang at mga kapatid.
Kailangan ko po ang payo ninyo.
Sana, matulungan ninyo ako.
Lubos na gumagalang,
Rosaxis
Dear Rosaxis,
Salamat sa liham mo at sa pagtangkilik sa aming pitak sa pahayagang Pilipino Star NGAYON.
Ang maipapayo ko lang sa iyo, lumayo ka na nga para hindi ka na mabuyo nang husto sa boyfriend na may asawa. Pangatawanan mo na ang naunang desisyon.
Walang ibubungang mabuti para sa iyo ang makisama sa isang lalaking may pananagutan na sa buhay. Kahit na nga mahal na mahal mo siya, hindi kaya ang damdamin mong ito ang siya ring damdamin ng kanyang tunay na asawa?
Kung pakikisamahan mo siya, hindi kaya darating din ang panahon na ikaw naman ang iiwanan niya? Kung ang babaeng nauna sa iyo na pinakasalan niya ay magagawa niyang iwanan, ikaw pa kaya na wala naman siyang pananagutang legal?
Manalangin ka nang husto para gabayan ka ng Panginoon na maging matatag. Hindi mo rin magagawang bigyan ng sama ng loob ang pamilya mo, lalo na ang mga magulang mong siyang nag-aruga sa iyo.
(Para sa mga nagnanais na maging kasulatan si Rosaxis, puwede ninyo siyang sulatan sa address na ito: Rose Alexis Rojo, 29 Maalindog St., UP Village, Diliman, Quezon City).
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended