Hi! It’s me again, Tiny Swan. Sana po ay tanda pa ninyo ako. Thank you po sa advice ninyo dahil na-solve ang problema ko. Pero hindi po kami nagkabalikan kasi na-realized ko na hanggang friends na lang po talaga kami kasi may kapalit na ako. Napahiya naman po siya kaya naghanap siya ng iba. Masakit sa akin ang naging desisyon ko dati na makipag-break pero pinagsisihan ko po ito kaya lang it’s too late. Dr. Love, may makikita pa kaya uli akong guy na magmamahal sa akin? Kasi po wala pa akong naging boyfriend na hindi ako nasaktan. Lahat po ng naging bf ko ay lagi na lang akong nasasaktan. Ano po kaya ang gagawin ko para malaman ko na serious ang isang tao sa akin?
Thank you and more power! Advance Merry Christmas and Happy New Year!
Tiny Swan
Dear Tiny Swan,
Nasasaktan ang isang tao kung masyado siyang magmahal at hindi natutupad ang expectation niya sa taong kanyang minamahal.
Kung iibig ka, magtakda ka ng kaunting distansya. Huwag kang umibig nang bigay-todo lalo pa’t hindi mo ganap na arok ang pagkatao ng lalaking minamahal mo.
I’m sure makatatagpo ka rin ng lalaking tapat na magmamahal sa iyo at iibigin mo rin.
But my advice is, kilalanin mong mabuti ang pagkatao ng isang lalaki bago ka makipagrelasyon.
Dr. Love