^

Dr. Love

Problema ni Ms. Aquarius

-
Dear Dr. Love,

First of all, I would like to greet you a pleasant day. Tawagin n’yo na lang ako sa pangalang Miss Aquarius, 19 years-old. Matagal ko nang gustong sumulat sa inyo, kaso lang ay hindi ko po alam ang address n’yo noon.

Pero ngayong alam ko na, hindi na ako nagdalawang-isip na sumulat sa inyo para humingi ng tulong. Ang problema ko po ay tungkol sa aking lovelife. Mayroon po akong bf sa panulat. Tawagin natin siyang Mr. Pisces. Mag-iisang taon na kaming mag-on. Mabait po siya at maunawain. Sa pamamagitan lang ng sulat ang aming communication. Dati po ay ang dalas-dalas niyang sumusulat sa akin pero habang tumatagal, sa pakiramdam ko ay nagbago na siya sa akin. Sa isang buwan, isang beses lang akong nakakatanggap ng sulat na kaagad ko namang sinasagot. Totoo kayang mahal niya ako, Dr. Love? Kung ako ang tatanungin, hanggang kamatayan ang pagmamahal ko sa kanya. Sana po ay mabigyan n’yo ako ng advice kung ano ang dapat kong gawin para hindi siya magbago sa akin. More power and God bless you.

Gumagalang,

Miss Aquarius


Dear Miss Aquarius,


Ikaw mismo ang makakaramdam kung ang lalaking iniibig mo ay nanlalamig na sa iyo. Ikaw lang ang makapaghuhusga kung mahal ka pa niya o hindi na.

Kung dati’y sinusulatan ka niya, araw-araw at ngayo’y paminsan-minsan na lamang, posible ngang nanlamig na siya sa iyo.

Pero posible rin na abala siya sa gawain niya at nagkakamali ka lang ng hinala.

Ang pinakamabuti mong gawin ay kausapin siya kahit sa sulat. Tanungin mo kung mahal ka pa niya o hindi.

Communication is the best way by which one will know kung ang relasyon ay dapat pang manatili o dapat nang putulin.

Kahit mahal mo siya na sukdol hanggang langit, dapat mo siyang kalimutan kung hindi ka na niya mahal.

Dr. Love

vuukle comment

DATI

DEAR MISS AQUARIUS

DR. LOVE

IKAW

KUNG

MISS AQUARIUS

MR. PISCES

PERO

SIYA

TAWAGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with