Nasaan ka mahal?

Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Isa po ako sa milyun-milyon ninyong tagahanga. Sa katunayan po ay pangalawang sulat ko ito sa inyo.

Tawagin na lamang po ninyo akong "Marie", isang Bicolana. Ang problema ko po ay tungkol sa boyfriend ko. Ibibigay ko po ang real name at baka sa sulat na ito ay magkaroon kami ng communication. Siya si Diodam Morato. Noong nasa Maynila po ako ay okey naman ang relasyon namin dahil lagi kaming magkasama. Ngunit nang mag-training siya para maging isang pulis ay naputol na ang aming communication. Mag-iisang taon na po. Noon po ay okey lang dahil alam kong six months ang training niya. Ngunit ngayon po ay one year na at wala pa rin akong balita sa kanya kaya gumawa na ako ng paraan.

Dr. Love, baka po hindi niya alam kung saan ako hahanapin. Naririto ako sa Lucena City at nagtatrabaho sa isang department store. Alam ko pong matutulungan n’yo ako. Tama po bang hanapin ko pa siya? Mahal pa ba niya ako? Lagi ko po siyang iniisip at mahal na mahal ko pa rin siya. Dr. Love, hayaan n’yo po akong magbigay ng kaunting message sa kanya at baka sakaling mabasa niya ito.

Sweetheart, nasaan ka man, hinihintay pa rin kita. Wala akong iniisip kundi ikaw. Tawagan mo naman ako sa mga nos. na ito: cell #0919-3175412 at sa bahay (042)793-3135. Kahit may iba ka na, gusto ko lang malaman kung nasaan ka. I love you so much!

Dr. Love, sorry po kung mahaba ang sulat ko at umaasa po ako na ilalathala n’yo ang sulat ko. Maraming salamat po.

More power to your column. God bless.

Umaasa,
Marie Evasco
G. Cordero st., Capistrano Subd.
Tayabas, Quezon


Dear Marie,


Huwag kang masiraan ng loob. Baka nga hindi lang alam ng boyfriend mo kung saan ka tutuntunin.

I hope na sa pamamagitan ng inilathala kong sulat mo’y kagyat siyang makipag-ugnayan sa iyo.

Dr. Love

Show comments