Problema ni Ms. Pisces
November 13, 2000 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Hi! Hello! Isa po ako sa mga sumusubaybay ng inyong column. Tawagin na lang po ninyo akong Ms. Pisces Y2K. I’m 18 years old at 2nd year college sa kursong Computer Secretarial. Isasangguni ko po sa inyo ang dati kong boyfriend. Tawagin na lang natin siyang Mr. Virgo Y2K. Classmate ko po siya sa dalawang subjects. Last February 14, nagkaroon ng Valentine’s Party. Noon ay crush ko po siya. Hindi ko ini-expect na bibigyan niya ako ng white roses. After that, nagtanong siya kung puwedeng manligaw at sinagot ko po siya sa mismong birthday ko, March 19. Tanggap na tanggap po siya ng aking mga magulang at mga kapatid. Naging masaya naman po ang aming relasyon. July 17, nag-break po kami dahil hindi pa raw siya handa. Siya po ang nakipag-break. Kahit masakit, Dr. Love, tiniis ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Pero nangako po siya na walang mababago sa aming dalawa at kailangan ay wala ring makakaalam.
Dumating ang time na parang umiiwas siya sa akin. Masakit pero alam ko naman ang dahilan. Minsan hindi ko natiis, umiyak ako at tinanong niya kung bakit ako umiiyak. Sinabi ko po sa kanya ang dahilan at humingi po siya ng sorry at hindi niya akalain na masasaktan ako sa ginagawa niya. Kaya bumalik na naman po ang dati naming gawi na kami sa paningin ng tao pero sa amin ay wala na talaga. Nararamdaman ko po na mahal pa niya ako at mahal ko rin po siya. Dr. Love, naguguluhan po ako sa situation namin.
Ano po ang gagawin ko? Sa tingin po ba ninyo ay babalikan pa niya ako? Kasi po habang tumatagal ay tumitindi po ang aming relationship kahit wala na po kami sa harap ng mga barkada namin. Nalilito na po ako sa nangyayari sa amin. Sana po ay matulungan po ninyo ako sa aking problema.
Yours truly,
Ms. Pisces Y2K
Dear Ms. Pisces Y2K,
Mas mabuti nga marahil na magkaroon kayo ng cooling-off upang makapag-isip-isip. Sa edad n’yo ngayon, posibleng magbago ang damdamin ninyo. Marami pa kayong makakasalamuha and for all you know, baka bumaling ang pagtingin ninyo sa iba.
Maaari ninyong panatilihin ang inyong pagkakaibigan in the meantime, at paglipas ng panahon, kung talagang laan kayo sa isa’t isa, I’m sure na walang makakahadlang sa inyong pag-iibigan.
Ganyan ang buhay. Hindi maaaring mangyari ang lahat ng pita ng iyong puso. At dapat mong malaman na kung hindi matutupad ang nais ng iyong puso, may layuning mabuti palagi ang Panginoon.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am