VP Sara parang ‘Lola Basyang’ sa paggawa ng kwento - Castro

MANILA, Philippines — Binuweltahan ni Palace Press Officer Claire ang kampo ni Vice President Sara Duterte sa pagpapalutang nito ng no-elections sa 2028 ng administrasyon.
Ayon kay Castro, abala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtatrabaho sa sunud-sunod na meeting na dinadaluhan kaya okupado ang isip niya hindi tulad ng iba na walang ginagawa kundi maglakwatsa.
May kasabihan din aniya na “Idle mind is the devil’s playground.”
Payo ni Castro sa kampo ni VP Duterte at sa kanyang pamilya, na ikuwento ang kanyang mga tagong yaman na kailangang marinig ng buong sambayanang Pilipino.
“Huwag silang magkwentong gawa-gawa lang nila. Sa ngayon para ng ‘lola basyang’ si VP Sara sa kanilang mga kwentong pantasya,” ayon para kay Castro.
Ang reaksyon ni Castro ay ginawa matapos sabihin ng abogado ng Bise Presidente na si Atty. Paolo Panelo na mayroon silang natanggap na impormasyon na pinag-uusapan na sa Kamara ang no elections o no-el sa 2028.
- Latest

















