^

Bansa

Paggamit ng depensa sa mga video nina Miriam, Corona binira  

Gemma Garcia, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ng ilang senador-hukom ang pagpapalabas ng depensa ni Vice President Sara Duterte ng mga video clip nina dating Sen. Miriam Defensor Santiago at yumaong Chief Justice Renato Corona bilang bahagi ng kanilang presentasyon sa impeachment trial.

Sa ika-44 na araw ng paglilitis, ipinrisinta ni defense counsel Atty. Mark Vinluan ang video mula sa impeachment trial ni Corona noong 2011-2012.

Sa naturang footage, makikitang pinupuna ni Santiago ang prosecution panel dahil sa pag-withdraw ng lima sa walong Articles of Impeachment laban sa dating punong mahistrado.

Matapos ipalabas ang video, agad itong kinuwestiyon nina Sen. Erwin Tulfo, Sen. Raffy Tulfo, at Sen. Panfilo Lacson, na nagtanong kung ano ang kaugnayan at halaga nito sa kasalukuyang impeachment case laban sa Bise Presidente.

Ayon kay Erwin Tulfo, tila nanonood lamang siya ng pelikula at aniya’y dapat na ring hayaang mamahinga ang mga pumanaw na personalidad na isinama sa presentasyon.

Sinabi naman ni Lacson na hindi niya nakita ang kahalagahan ng naturang video sa pagresolba sa mga isyung kinakaharap ni Duterte.

Pinaalalahanan naman ni Raffy Tulfo na si Corona ay napatalsik sa puwesto matapos mabigong maipaliwanag nang maayos ang kanyang mga ari-arian at bank deposits.

Kaugnay nito, ipinrisinta rin ng depensa si Rainier dela Fuente, isang certified public accountant at abogado, bilang expert witness upang kontrahin ang mga ebidensyang iniharap ng prosecution.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with