^

Police Metro

Lacson: 2027 national budget ‘pupurgahin’ sa pork

Malou Escudero - Pang-masa
Lacson: 2027 national budget ‘pupurgahin’ sa pork
Senator Ping Lacson addresses the Senate's ongoing flood control investigation and other matters concerning the upper chamber during the "Kapihan sa Senado" on January 14, 2026.
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Sinabi kahapon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na buo ang suporta ng mayorya ng Senado sa pagsisikap ni Senate Finance Committee Chairman Jose Victor “JV” Ejercito na alisin sa panukalang pambansang budget para sa 2027 ang mga “unwarranted, whimsical, and corruption-prone items” at “all means all” ang kanilang pagsusuri.

Ayon kay Lacson, hindi lamang ang pagtanggal sa mga kuwestiyonableng alokasyon sa budget bill ang tututukan ng uayorya kundi maging ang pagtitiyak na magiging transparent ang proseso ng pagbuo nito.

Noong weekend, nakakuha si Ejercito ng pangako mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na aalisin sa bersyon ng budget bill na ipinadala ng Kamara ang mga proyektong pang-imprastraktura na walang kumpletong supporting documents bago magsimula ang plenary debates, maliban kung maipasa ng ahensiya ang mga kinakailangang dokumento bago sumapit ang Nob. 3.

Nauna nang itinuro ng mga budget advocacy group ang kawalan ng supporting documents bilang isa sa mga red flag na nakita nila sa bersyon ng budget bill na inaprubahan ng Kamara.

Sa pagsusuri ng Senado, tumaas mula 11,420 sa National Expenditure Program (NEP) tungong 16,244 sa General Appropriations Bill (GAB) na ipinadala ng Kamara ang bilang ng mga proyekto ng DPWH.

Sa mga bagong proyekto, 6,271 ang ipinasok ng mga mambabatas nang hindi dumaan sa paunang pagsusuri ng ehekutibo.

Sinabi rin ni Ejercito na iimbitahan ang mga civil society organization na magmasid sa mga deliberasyon ng bicameral conference committee sa budget, na ipapalabas nang live upang matiyak ang transparency.

Sinabi ni Lacson noong Biyernes na nagkasundo ang mayorya sa Senado na tiyakin ang transparency sa pagbuo ng budget bill, kabilang ang pagpapatupad ng mga hakbang na pinasimulan ni dating Senate Finance Committee chairman at ngayo’y Senate President Sherwin Gatchalian.

Sinabi niyang magiging “gung-ho” ang mga senador sa pagsuri at pagwawasto sa mga kuwestiyonableng alokasyon sa bersyon ng Kamara, at walang itatangi, maging ang mga itinuturing na malapit sa Pangulo.

PANFILO “PING” LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with