BBM-Sara, isang alamat ng masangsang na pagsasama
NAGING isang alamat ang pagkamatay ni Ninoy Aquino noong 1983 sa tarmac na humantong sa puwersahang pagpapatalsik kay FM Sr. at pag-upo ni Pres. Cory Aquino noong 1986. Sinuportahan noon ng Simbahang Katoliko si Cory at sumibol ang alamat ng EDSA!
Sa kabila nang magkaibang kalagayan sa anino ng pulitika, naging magulo ang dating maayos na pagsasamang puwersa ng Marcos-Duterte dahil sa anino ng maalamat na agaw-liderato sa Bahay Kongreso!
Sa panahon ng Martial Law ay lumutang ang pangàlan ni Soledad “Nanay Soling” Duterte (Nanay ni VP Sara) sa Davao na nagtatag ng grupong “KATAWHAN” na kalaunan ay naging Yellow Friday Movement na naging kaalyado ng Lakas ng Bayan (LABAN) na naging mortal na kalaban naman ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ni Ferdinand Marcos Sr. ‘Di ba maalamat talaga?
Namuo sa isipan ng maraming pilipino na hindi talaga maaring maging maalamat ang pagsasamang puwersa sa pulitika nina Bongbong at Sara. Nagkalamat agad ito nang bansagan ni Digong si Bongbong na “Bangag na Presidente” wala pang isang taon na namumuno ang UniTeam sa bansa. Wasak agad, kamot ulo ang BBM Loyalists!
Nahaharap ngayon sa impeachment si Sara at tulad ng inaasahan ng marami ay malamang na mangyari ang ikinababagot ni Imee. Hawig din ang naging kapalaran ni Sara at Ninoy Aquino nang litisin ito sa military court at sinintensyahan ng firing squad noong November 25, 1977. Naging martir nga lang si Ninoy a.k.a “Marcial Bonifacio” para sa bansang inabuso!. Kasi,..Ninoy is Pro-Filipino. No joke, no joke!
Sa mga lumalabas na surveys ay malakas na kandidato si Sara sa 2028 Presidential Election. Impeachment lamang ang makapipigil na makatakbong presidente si Sara at mamanukin daw nila ang Baste at Robin tandem kapag hindi na puwede si Sara. Hintayin natin ang maaring maging kalaban. LEGI-Tandem, puwede ‘di ba?
- Latest















