^

Bansa

Tax evasion vs VP Sara, nasilip ng prosecution

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

P111.85 milyon ‘di tugma sa idineklarang kita

MANILA, Philippines — Nasilip ng House prosecution panel ang posibleng tax evasion ni Vice President Sara Duterte matapos umanong madiskubre ang P111.85 milyong hindi pagtutugma sa pagitan ng kanyang idineklarang kita at mga depositong pumasok sa bangko, batay sa mga dokumentong iniharap kaugnay ng nakabinbing impeachment trial sa Senado.

Ayon kay House prosecution panel spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, lumitaw ang natu­rang discrepancy sa pagsusuri sa umano’y “unexplained wealth” ni Duterte kaugnay ng muling pagpapatuloy ng paglilitis sa impeachment case sa Nobyembre 9.

“Hindi lang ito issue ng non-disclosure o unexplained wealth. Isa rin itong usapin ng posibleng tax evasion,” ani Adiong sa isang press briefing nitong Huwebes.

Batay sa pinansiyal na rekord na sinuri ng prose­cution panel, umabot umano sa P174.96 milyon ang kabuuang halagang dumaloy sa mga bank account ni Duterte mula 2022 hanggang 2025, habang P63.11 milyon lamang ang idineklara nitong kita sa parehong panahon. Dahil dito, lumabas ang umano’y P111.85 milyong diperensya.

Ang findings ay mula sa pagsusuri ni financial forensic accounting expert Atty. Alexander Cabrera, na nagsuri sa income tax returns, bank records at iba pang financial documents ni Duterte.

Ayon sa prosecution, isinama rin sa pagsusuri ang nasabing P111.85 milyong hindi umano nai­deklarang kita. Sa kabuuang pagsusuri, tinukoy ni Cabrera na umabot sa P817.87 milyon ang umano’y hindi naideklarang yaman at mga ari-arian ni Duterte at asawang si Atty. Mans Carpio.

Sinabi ni Adiong na nais ng prosecution na maipaliwanag mismo ni Duterte ang pinagmulan ng mga deposito at kung bakit hindi umano ito tumutugma sa mga iniulat sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Samantala, itinanggi naman ni Duterte ang mga paratang hinggil sa umano’y paglobo ng kanyang yaman at sa mga depositong sinasabing hindi tugma sa kanyang idineklarang kita.

Sa pagdinig, tumestigo rin ang isang executive ng Bank of the Philippine Islands (BPI) na nagsabing may humigit-kumulang P185 milyon sa joint account nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at VP Duterte sa isang sangay ng bangko sa Ortigas Center, Pasig City.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with