Mister tinodas katabi ang misis sa kama
MANILA, Philippines — Hindi na nagising pa ang isang mister nang siya ay pagbabarilin habang katabi ang misis sa pagtulog sa inuupahang silid sa Apelo Cruz St., Brgy.157, Pasay City, Huwebes ng madaling araw.
Hindi muna naglabas ng detalye sa pagkilanlan ng biktima ang Pasay City Police Station sa layuning hindi maapektuhan ang isinasagawang imbestigasyon at forward and back tracking para madakip ang suspek.
Sa ulat, ala 1:00 ng madaling araw nang magising ang misis ng biktima sa magkakasunod na putok ng baril at nabigla nang makitang duguan ang mister.
Natulala ang misis na walang nagawa habang tumatakas ang suspek.
Inilarawan ang suspek na nakasuot ng helmet na mag-isang pumasok sa bahay ng biktima, na matatagpuan sa eskinita ng nasabing kalsada.Wala pang nakikitang motibo ang pulisya sa krimen.
- Latest
















