^

Bansa

PANOORIN: Panawagang mag-resign si Marcos, 'absolutely delusional' — Malacañang

Philstar.com

MANILA, Philippines — Idiniin ni Palace Press Officer Claire Castro na "absolutely delusional" ang panawagan mula sa kampo ni Vice President Sara Duterte na magbitiw sa puwesto si Pangulong Bongbong Marcos.

"The demand for the president to resign, without any legal basis, and in order to put in place the principal of the spokesperson, is definitely, absolutely delusional," ani Castro sa press briefing ngayong Martes, Sept. 15.

Binigyang-diin ni Castro ang kahalagahan ng kakayahan, kaalaman at kahandaan sa pamumuno sa "mabibigat na usapin ng bansa," tulad daw ng West Philippine Sea at Pax Silica.

"So sa mga taong hindi nagtatrabaho, hindi nila nakikita ang taong tunay na nagtatrabaho," dagdag niya.

Nauna nang naglabas ng pahayag ang spokesperson ni Duterte na si Paolo Panelo nitong Lunes, Sept. 14, bilang tugon sa pahayag ni Marcos tungkol sa umano'y personal na galit ng bise presidente sa kanya at tinawag ang pangulo na "out of touch with reality and not fit for office."

Sinabi ni Marcos sa Kapihan with the Media sa India nitong Linggo, Sept. 13, na hindi niya maipipilit na mahalin siya ninuman nang tanungin siya tungkol sa mga isyung kinahaharap ng bise presidente.

Nanawagan din si Duterte na magbitiw sa puwesto si Marcos, na tinawag niyang "problema" ng bayan, noong Sept. 11 matapos humarap ang bise presidente sa Quezon City Hall of Justice, kung saan ipinagpaliban ang kanyang arraignment sa tatlong bilang ng grave threats.

BONGBONG MARCOS

CLAIRE CASTRO

MALACANANG

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with