Teodoro: VP Duterte maaaring ipatanggal security escorts kung wala nang tiwala
MANILA, Philippines — May kapangyarihan si Vice President Sara Duterte na ipatanggal ang kanyang mga security escorts anumang oras kung wala na siyang tiwala sa kanila, sa pulisya, o sa korte, ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
Sinabi ni Teodoro na prerogatibo ng Bise Presidente ang magdesisyon kung nais pa niyang manatili ang halos 400 security detail, karamihan ay mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang pahayag ay tugon sa naging komento ni VP Duterte noong Setyembre 5 matapos maglagak ng P360,000 piyansa sa Quezon City RTC kaugnay ng tatlong counts ng grave threats.
Giit ni Teodoro: “Karapatan ni VP Sara na i-request na i-withdraw ang mga sundalong escort anumang oras kung nais niya.”
Dagdag pa niya: “Provision of AFP security is a courtesy and a privilege. You can ask for them to be withdrawn if there is a loss of trust and confidence.”
Wala pa umanong natatanggap na kahilingan si Teodoro mula kay Duterte para ipatanggal ang kanyang mga escorts.
Bahala raw si VP Duterte kung sino ang nais niyang manatili o kung tuluyan na niyang aalisin ang lahat ng nakatalagang security personnel.
- Latest




















