^

Bansa

VP Sara gumasta ng P473-K kada oras

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
VP Sara gumasta ng P473-K kada oras
Vice President Sara Duterte.
STAR / KJ Rosales

Para ubusin P125 milyong spy funds

MANILA, Philippines — Gumasta umano ng humigit-kumulang P473,000 kada oras si Vice President Sara Duterte upang maubos ang P125 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) sa loob lamang ng 11 araw noong Disyembre 2022, ayon kay House trial spokesperson Zia Alonto Adiong.

“Kung i-quantify natin yung 11 days, 473,000 every hour ang nagagastos, para ma-consume, in 11 days, ang 125 million, ganun kabilis at kalaki yung paggastos ng 125 million in 11 days, not mentioning the fact na in 11 days na yan, merong mga holidays diyan, ‘di ba, may mga holidays diyan,” saad ni Adiong.

Ang OVP ay tumanggap ng P125 milyong cash advance noong Disyembre 2022 na agad naubos mula Disyembre 21-31 kung saan agad itong nasilip ni Commission on Audit (COA) auditor Roderick Wamilz

Ayon sa COA, ang confidential funds ay cash advance na may mahigpit na panuntunan at hindi maaaring i-reimburse. Kinuwestiyon ng prosekusyon ang OVP sa paggamit at pag-liquidate ng naturang pondo, na bahagi ng kabuuang P500 milyon confidential funds.

Giit ni Adiong, hindi lamang ito simpleng accounting error. Ang paglihis sa Joint Circular No. 2015-01 ay may mas malalim na implikasyon sa pamumuno at karakter ng isang lider.

“Mapagkakatiwalaan ba natin ang Vice President sa paggamit ng resources ng gob­yerno, gayong hindi niya nasunod ang isang napakapayak na patakaran, samantalang isa siyang abogado at mahigit tatlong taon na siyang gu­magamit ng confidential funds?” tanong niya.

Ayon kay Adiong, ang umano’y kabiguang sundin ni VP Sara ang mga batayang tuntunin sa paggamit ng confidential funds, sa kabila ng kanyang karanasan bilang alkalde at abogado, ay malinaw na usapin ng tiwala ng mamamayan.

Itinatadhana ng Article XI ng Konstitusyon na ang pampublikong tungkulin ay isang tiwala ng bayan. Para sa prosekusyon, ang mabilis na paggasta ng P125 milyon ay ma­linaw na betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution.

“Kaya iyon pa lamang ay nagpapatunay na may culpable violation of the Constitution… Paano ka mapagkakatiwalaan sa mandatong ibinigay sa iyo ng taumbayan kung binalewala mo kahit ang simpleng patakaran sa paggamit ng confidential funds?” ani Adiong.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with