^

Bansa

Sagutan nina Cayetano vs Lacson tuloy pa rin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Sagutan nina Cayetano vs Lacson tuloy pa rin
Photo of Sens. Alan Peter Cayetano and Panfilo Lacson.
Senate SMU

MANILA, Philippines —Tuloy pa rin ang ‘sagutan’ nina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Sen. Panfilo Lacson kaugnay ng mga proyektong reklamasyon sa Taguig City.

Sa isang Facebook livestream, muling ipinagtanggol ni Cayetano ang Laguna Lakeshore project, at ipinunto ang malaking pag-unlad ng bahagi ng Laguna Lake na sakop ng Taguig City sa mga nakalipas na taon at ang malawak nitong potensiyal na hindi pa napakikinabangan.

Iginiit niyang ang mga proyekto ay hakbang upang protektahan ang lawa laban sa erosion, polusyon, at squatters. Binanggit din niya ang C6 road dike bilang proteksyon sa lakeshore at para magamit ng publiko.

Pinabulaanan din niya ang alegasyon na may kinakamkam ang pamilya Cayetano, at iginiit na may mga pribadong lupa sa paligid ng dike na hindi sakop ng kanilang kontrol.

Noong Agosto 29, naglabas si Lacson ng dagdag na impormasyon hinggil sa umano’y ilegal na reclamation sa Taguig. Tinukoy dito ang apat na bahagi ng lupa na nabigyan umano ng pekeng titulo.

Apat pang lote ang walang nakatalang titulo sa digital records ng Land Registration Authority (LRA).

Aniya, layunin niyang patunayan na hindi “fake news” ang kanyang naunang pagbubunyag.

“Since Senator Cayetano keeps publicly asking for evidence, I’ll give it to him, in the spirit of public interest,” pahayag ni Lacson.

Bilang tugon, muling nag-Facebook livestream si Cayetano at tinawag si Lacson na isang “Marites” at “Senator-Judge Troll”, sabay sabing puro tsismis at hearsay ang mga alegasyon.

“That senator-judge has been trolling me almost every day. It’s all just gossip, or, as they say, inconclusive, argumentative, and hearsay,” ani Cayetano.

ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with