^

PSN Opinyon

Walang bayani sa confidential fund scam ni Sara­

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

NGAYONG araw ay ginugunita natin ang Araw ng ­Kagitingan bilang pagkilala sa katapangan at sakripisyo ng ating mga bayani na nanindigan para sa ating kalayaan at demokrasya.

Pero bago pa man tayo makapag-alay ng bulaklak sa mga monumento ng ating mga bayani, tila nauna nang binastos ni Senador Robin Padilla ang sagradong araw na ito.

Sa pagtatanggol sa paggamit ni Vice President Sara Duterte ng milyon-milyong pisong confidential funds, inihambing ni Robin ang mga alyas na lumitaw sa liquidation report ni Sara sa mga “nom de guerre” o rebolusyonaryong alyas nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Antonio Luna at Ninoy Aquino.

Anak ng tipaklong!

Tama bang ikumpara sina Rizal, Bonifacio, Luna at Ninoy kina Mary Grace Piattos, Andy Lim, Antonio Pagong at Xuniso Belat?

Tama bang ihanay ang kanilang kabayanihan sa mga alegasyon ng paglustay ng pera ng bayan na tinawag na isang “scam” ng House prosecution? Tama bang gamitin ang ­pangalan ng ating mga bayani bilang panangga sa pananagutan?

Anong katangahan ito? Hindi natin kailangang maging henyo para makita na isa itong malaking kalokohan at kabastusan.

Gumamit ng alyas ang ating mga bayani hindi upang makinabang sa kaduda-dudang salapi, kundi upang ­ipaglaban ang ating kalayaan. Ang mga alyas sa liquidation report ni Sara, sa kabilang banda, ay naging bahagi ng kuwestiyonableng paggamit ng pera ng bayan na hanggang ngayon ay hindi maipaliwanag.

Gumamit ng mga alyas ang ating mga bayani upang harapin ang mapang-abusong kapangyarihan. Ang mga alyas sa confidential fund report ni Sara, bukod sa katawa-tawa at halatang peke, ay nagtatago sa pananagutan.

Huwag nating hayaang gawing panangga ang ating mga bayani sa harap ng mga alegasyon ng paglustay sa kaban ng bayan. Ang kanilang mga pangalan ay hindi palusot para sa sinumang nais pagtakpan ang katotohanan.

Kung tunay nating nais parangalan ang ating mga bayani, ipagtanggol natin ang kanilang mga pangalan at pamana. Huwag nating hayaang dungisan ito ng mga taong nais pagtakpan ang mismong katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan na kanilang nilabanan.

DUTERTE

SARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with