Special elections sa Dasmariñas City, Cavite idaraos ngayong Sabado

Liquor ban, epektibo na
MANILA, Philippines — Nagpatupad na ang Commission on Elections (Comelec) ng liquor ban sa Dasmariñas City, Cavite nitong Biyernes, kasunod ng nakatakda nang pagdaraos ngayong Sabado, Agosto 29, ng special election sa naturang rehiyon na ang layunin ay mapalitan sa Kongreso ang pinatalsik na si dating Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga.
Ayon sa Comelec, bukod sa pagbabawal sa pagbili, pagbebenta, pagsisilbi at pagkonsumo ng nakalalasing na inumin, mahigpit rin nilang ipinagbabawal sa bisperas ng isang halalan ang pangangampanya at pamimigay o pagtanggap ng libreng transportasyon, pagkain, inumin at mahahalagang bagay, na maikukonsiderang vote buying.
Base sa inilabas na calendar of activities ng poll body, ang special elections sa Dasmariñas City, Cavite ay idaraos mula 5am-7am para sa vulnerable sectors, gaya ng senior citizens, persons with disability, at mga buntis.
Ang lahat naman ng rehistradong botante sa 4th Legislative District representative ng Cavite ay pahihintulutang bumoto mula 7am-3pm.
Una nang sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na target nilang maiproklama ang mananalo sa naturang special polls sa Agosto 30, 2026, Linggo ng umaga.
Mayroong limang kandidato na maglalaban sa posisyon, kabilang sina Raul Rex Del Rosario Mangubat, Marvin Opamin Dupal-ag, Leysander Aguilar Ordenes, Jacinto Bautista Frani Jr., at Dasmariñas City Mayor Jennifer Barzaga.
- Latest






















