^

Bansa

Tulfo: Blue Ribbon tututok sa substandard projects

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasunod ng mga reklamo sa mga pampublikong imprastraktura na agad nasisira sa kaunting ulan, inihayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Erwin Tulfo na sisiyasatin ng komite ang mga substandard na proyekto ng pamahalaan at pananagutin ang mga nasa likod nito.

“Bukod sa mga bagong pangalan at isyu na may kaugnayan sa ano­malya sa flood control, iimbestigahan din natin ang mga substandard na proyekto. Ang mga tulay, kalsada, at iba pang pampublikong pasilidad na malinaw na hindi sumunod sa pamantayan—iimbestigahan natin iyan isa-isa,” pahayag ni Tulfo sa isang panayam sa radyo.

Binanggit din niya na halatang may korapsyon dahil may pondo para sa proyekto ngunit hindi natatapos o kaya naman mababa ang kalidad. Nakikipag-ugnayan na umano ang komite sa DPWH at iba pang ahensya para sa imbestigasyon.

Kamakailan, gumuho ang isang malaking retaining wall sa kahabaan ng EDSA-Ayala northbound sa Makati City matapos ang sunud-sunod na bagyo. Nagdulot ito nang matinding trapiko nang mabarahan ang dalawang linya ng daan. Kinondena ni DPWH Secretary Vince Dizon ang insidente matapos matuklasan na gawa lamang pala sa hardiflex ang gumuhong bahagi imbes na matibay na semento.

Nilinaw ni Tulfo na bukod sa flood control projects, tututukan din ng Blue Ribbon Committee ang mga nakabinbin na kaso ng korapsyon sa iba pang ahensya ng gobyerno. Giit niya, matagal nang pinahihirapan ng katiwalian ang bansa kaya’t magiging mahigpit ang komite sa pagkalap ng ebidensya at gagawin ang lahat ayon sa batas.

BLUE

EDSA

RIBBON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with