^

Bansa

Ninoy may alias pero walang confidential funds

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Ninoy may alias pero walang confidential funds
Sen. Bam Aquino on August 26, 2026
Voltaire Domingo/Senate Social Media Unit

Bam sinopla si Robin

MANILA, Philippines — Mistulang sinopla ni Sen. Bam Aquino si Sen. Robin Padilla matapos banggitin ng huli ang pangalan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. na gumamit din ng alyas noong kapanahunan niya.

“Tama, si Ninoy Aquino, may alyas para makauwi siya sa Pilipinas noong nasa Boston siya, pero wala siyang confidential funds,” sabi ni Senador Bam, pamangkin ni Ninoy.

Sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, tinanong ni Padilla si prosecution counsel Atty. Mae Divinagracia kung alam niyang gumamit ng alias ang mga bayani noong rebolusyon. Kaugnay ito ng mga pangalan sa acknowledgement receipts (ARs) na isinumite ng OVP sa Commission on Audit, kabilang ang “Mary Grace Piattos,” “Renan Piattos,” “Andy Lim,” “Xuniso P. Belat,” at mga apelyidong kahawig ng ilang politiko gaya ng “Clarisse Hontiveros,” “Beth Revilla,” “Jose Diokno Jr.,” at dalawang “Lapid.”

Inisa-isa pa ni Padilla ang ilan sa mga alyas na ginamit ng mga bayani tulad ng Dimasalang, Siling Labuyo, Tikbalang, Taga-Ilog, May Pagasa, Buwan, Magdalo, Leon Kilat, Debora, Lakambini, Paralitiko, Dimas, Alipato, Liwanag, Baliti at iba pa.

Sumagot naman si Divinagracia na kilala niya ang ilang pangalang nabanggit ni Padilla subalit nilinaw nitong hindi niya alam kung ano ang pangyayari sa likod ng paggamit ng mga bayani ng alias at noon ay nasa ilalim ng giyera ang bansa. Giit ni Divinagracia, “internal conflict is different from war.”

Dito na binanggit ni Padilla na maging si Ninoy Aquino ay gumamit din ng alyas na “Marcial Bonifacio”. “Ito po ang pinalalabas ng prosecution, na may mga pangalan na katawa-tawa….eh mas nakakatawa po itong mga pangalan no’ng mga nangyari noong araw. At isa pa po, kilala niyo po ba si Marcial Bonifacio?” tanong ni Padilla.

Kinumpirma ito ni Sen. Bam ngunit nilinaw na wala namang confidential funds si Ninoy at hindi siya kasama sa ARs.

Binanggit naman ni House Deputy Speaker Rep. Paolo Ortega na hindi dapat gawing ana­logy ang paggamit ng alias ng mga bayani dahil ang kanilang layunin ay ipaglaban ang bansa, hindi gumawa ng mga katawa-tawang pangalan gaya ng “chichirya gang” na lumabas sa ARs.

BAM AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with