^

Police Metro

Babaeng angkas todas, rider sugatan sa salpok ng SUV

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang babaeng backride habang sugatan ang rider ng motorsiklo nang salpukin sila at takasan ng isang sport utility vehicle (SUV) sa tapat ng La Salle Greenhills,Ortigas Avenue, Mandaluyong City, boundary ng San Juan City, nitong Biyernes ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat, nangyari ang insidente, alas-4:00 ng madaling araw sa nasabing lugar nang salpukin ang mga biktima ng isang puting Toyota Land Cruiser na kung saan tumilapon ang mga biktima.

Agad namang naaresto ng San Juan City Police ang lalaking driver ng SUV matapos umano nitong tangkaing tumakas at pumasok sa compound ng isang shopping center sa Greenhills.

Batay sa mga ulat, natuklasang tinakpan ang plaka at conduction sticker ng sasakyan ng sticker o logo umano ng House of Representatives.

Nai-turn over na ang suspek sa Mandaluyong City Police Station para sa pagsasampa ng mga reklamong reckless imprudence resulting in homicide at reckless imprudence resulting in physical injuries at damaged to property.

SUV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with