Hirit ni Estrada na dumalo sa Sara trial, binutata

MANILA, Philippines — Inisnab ng Sandiganbayan Fifth Division ang mosyon ni Sen. Jinggoy Estrada na makadalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa 7-pahinang resolusyon ng Sandiganbayan na may petsang July 9, 2026, sinabi nitong ang request ni Estrada ay walang merito.
“This court cannot consider the accused-movant’s request to be in the nature of emergency of compelling temporary leave. While an impeachment trial is of paramount constitutional importance, its significance does not, by itself, provide a basis for the grant of his request,” saad sa reso.
Si Estrada, na kasalukuyang nakakulong sa Quezon City Jail sa Payatas, ay iginiit na ang kanyang pagdalo bilang senator?judge ay isang “mataas na tungkuling konstitusyonal” na dapat magbigay sa kanya ng pansamantalang pahintulot mula sa pagkakakulong. Aniya, mahalaga ang kanyang boto dahil kinakailangan ang two?thirds majority para sa impeachment conviction.
Subalit binigyang?diin ng korte na ang isang opisyal na nasa preventive detention ay hindi maaaring gumanap ng tungkulin maliban kung makapagpiyansa o makalaya sa recognizance.
Binanggit din ng korte na ayon sa Senate Pre?Trial Order, tatlong beses kada linggo ang impeachment trial na tatagal ng 92 trial days sa loob ng 31 linggo. Kung pagbibigyan si Estrada, ito ay magiging “continuing and recurring leave” at hindi maituturing na pansamantalang emergency release.
Dagdag pa ng korte, ang regular na pagdalo niya sa Senado ay magbibigay ng pribilehiyo na tila malaya, na magiging “mockery” sa layunin ng correction system.
Bukod sa plunder, si Estrada ay nahaharap din sa graft case sa Second Division at nasa ilalim ng 90?araw na preventive suspension.
- Latest




















