^

Bansa

Higit 6K public schools, nag-suspend ng klase kay ‘Inday’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Higit 6K public schools, nag-suspend ng klase kay ‘Inday’
Students brave sudden downpour on their walk in Lingayen, Pangasinan on June 26, 2026.
The Philippine STAR / Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Higit 6,000 pampublikong paaralan sa 11 rehiyon ang nagsuspinde ng face-to-face classes nitong Biyernes at lumipat sa Flexible Learning Options bunsod nang pananalasa ng bagyong Inday.

Sa inilabas na Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) situation report ng DepEd, kabuuang 6,102 public schools na ang nagkansela ng face-to-face classes, na nakaapekto sa 3,681,612 mag-aaral at 149,659 personnel sa 52 Schools Division Offices (SDOs) sa 11 rehiyon.

Batay sa report, nasa 2,075 paaralan sa National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng class suspensions; na sinundan ng Region IV-A (Calabarzon) na may 1,692; Region III (Central Luzon) 802; Region IV-B (Mimaropa) 760; Region XIII (Caraga) 379; Region II (Cagayan Valley) 166; Region V (Bicol) 136; Region I (Ilocos Region) 113; Region IX (Zamboanga Peninsula) 57; Region VI (Western Visayas) 32; at Region X (Northern Mindanao) 14 paaralan.

Ilang paaralan naman sa Region VI ang nagpatuloy ng kanilang klase.

Ayon sa DepEd, ang paglipat ng mga paaralan sa flexible learning ay naglalayong matiyak ang pagpapatuloy ng edukasyon habang pinuprotektahan ang mga mag-aaral, mga guro, at mga school personnel mula sa epekto ng masamang panahon.

INDAY

NCR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with