VP Sara, Robin tinabla sa pagbisita kay Marcoleta

May pneumonia, bakit pinayagan - Sandiganbayan
MANILA, Philippines — Kinuwestyon ni Sandiganbayan Associate Justice Ronald Moreno ang PNP–Health Service General Hospital kung bakit pinayagang bisitahin ni Vice President Sara Duterte at Sen. Robin Padilla si Sen. Rodante Marcoleta, gayong iniulat ng ospital na dapat naka?isolate ang mambabatas dahil sa mild pneumonia.
“He has pneumonia. Why are we allowing him to be visited by several individuals? He is under your care,” pahayag ni Moreno.
Nang tanungin kung nakasuot ng face mask si Duterte sa kanyang pagbisita, sinabi ni Brig. Gen. Portia Manalad, direktor ng PNP Health Service General Hospital: “I believe, wala.”
Inamin din ni Manalad na may pagkukulang sa pagpapatupad ng face mask protocol ng ospital.
Nitong Martes, binisita ni Duterte si Marcoleta sa PNP General Hospital, isang araw matapos itong maaresto sa kasong plunder. Sumunod na Huwebes, si Padilla naman ang dumalaw.
Si Marcoleta ay inaresto noong July 6 at nakulong sa kasong plunder kaugnay ng umano’y hindi pagdeklara ng P75 milyon campaign donations mula sa mga co?accused na sina dating congressman Mike Defensor at mga negosyanteng sina Aristotle Viray at Joseph Espiritu.
Nakatakdang ilipat si Marcoleta sa Quezon City Jail sa Payatas, kung saan nakakulong ang kanyang mga co?accused, oras na ideklarang fit for transfer ng mga doktor.
VP Sara, Robin tinabla sa pagbisita kay Marcoleta Angie dela Cruz)
Angie dela Cruz

- Latest