^

PSN Palaro

Obiena bumanat ng gold sa Poland

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Obiena bumanat ng gold sa Poland
(PHOTO: EJ Obiena Facebook)

MANILA, Philippines — Magarbong sinimulan ni two-time Olympian EJ Obiena ang outdoor season matapos masungkit ang gintong medalya sa Czeslaw Cybulski Memorial na ginanap sa Poznan, Poland.

Pinagharian ng Pinoy pole vaulter ang events nang maitarak nito ang 5.72 metro para pataubin ang kanyang mga karibal.

Tinalo ni Obiena sina silver medalist Owen Heard ng Great Britain at bronze medalist Matteo Oliveri ng Italy.

Parehong nagtala sina Heard at Oliveri ng 5.60m.

Ngunit nakaungos si Heard sa countback para masiguro ang pilak habang nagkasya sa tanso si Oliveri.

Nasa ikaapat si Piotr Lisek ng host Poland habang ikalima naman si Si­men Guttormsen ng Nor­way.

Masaya si Obiena sa i­pinamalas nito matapos ang ilang bigong pagtatangka sa kanyang nakalipas na mga torneo.

“Happy with the progress,” ani Obiena sa kanyang post sa social media.

Matatandaang nagtapos sa ikawalong puwesto si Obiena sa Doha Leg ng Diamond League sa Qatar noong Hunyo kung saan nagtala ito ng masaklap na 5.42m.

Matikas ang ratsada ni Obiena sa Poland kung saan lumundag agad ito sa 5.40m na mabilis nitong nakuha sa kanyang unang pagtatangka.

Nalampasan din ni O­biena ang 5.60m sa kanyang ikalawang attempt.

Nakuha naman ni O­biena ang winning mark na 5.72m sa kanyang ikalawang lundag.

Sinubukan ni Obiena ang 5.77m ngunit nagbigo ito.

Itinaas pa ito sa 5.82m ang marka subalit hindi rin ito nakuha ni Obeina.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with