^

Bansa

‘Senateflix’ tapos na - SP Gatchalian

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian nitong Huwebes na tapos na ang “Senateflix” na drama sa Senado at balik-trabaho na ang mga senador.

Sa isang media briefing, sinabi ni Gatchalian na ilalatag na ng Senado ang mga LEDAC ­priority bills na kailangang maipasa, pati na rin ang paghahanda para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Hulyo 6.

“Tapos na ang Se­nateflix. Back to work na tayo kaya sa mga susunod na linggo, ilalatag na namin ang LEDAC bills na dapat matapos,” ani Gatchalian. “Ilalatag na rin namin ang preparations for the impeachment on July 6. Tuluy-tuloy ang coordination with our intelligence clusters, and enforcement agencies.”

Ayon kay Gatcha­lian, sa mga darating na linggo ay tututukan ng Senado ang mga panukalang batas at hihilingin sa mga senador na simulan na ang kanilang mga pagdinig upang tuluy-tuloy ang talakayan sa LEDAC bills at iba pang priority measures.

Nagsimula na rin ang Senado sa paghahanda para sa impeachment trial ni Duterte at nakikipag-ugnayan na sa mga ahensiya ng batas. Sinabi ni Gatchalian na magtatawag siya ng ­all member caucus bago ang impeachment trial.

“Marami—security, schedule, outcome ng pre-trial conference kasi doon malalaman kung gaano kahaba ang trial, kung sino ang testigo, at anong ebidensya ang ipiprisinta. Lahat ‘yan, per day, nakalatag na,” aniya.

SHERWIN GATCHALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with