^

Bansa

Trump, Iran tinapos na digmaan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal nang lumagda sa isang kasunduan si US President Donald Trump at pangulo ng Iran na naglalayong wakasan ang digmaan sa Gitnang Silangan.

Sa ulat ng Agence France-Presse, sumang-ayon ang Tehran na lusawin ang enriched uranium nito kapalit ng malawakang tulong pang-ekonomiya.

Ayon pa sa ulat ng AFP, nilagdaan ni Trump ang memorandum of understanding sa dinner kasama si France President Emmanuel Macron sa Palace of Versailles kasunod ng isang G7 summit.

“Just signed it,” napaulat na iniha­yag ni Trump sa mga mamamahayag habang lumalabas sa Palasyo.

Ayon sa state owned agency IRNA, inihayag ng spokesman ng Fo­reign Ministry ng Iran na si Esmaeil Baqaei na ang dokumento ay na-“finalized with the signatures of the presidents.”

Layon ng kasunduan na tapusin na ang giyera na nagsimula noong Pebrero 28 na inilunsad ng Amerika at Israel na naging daan para gumanti ang Iran sa pamamagitan ng missile at drone attacks sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Dahil sa giyera ay isinara ang Strait of Hormuz, isang crucial waterway ng ekonomiya ng mundo.

IRAN

WAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with