^

Probinsiya

Minivan vs truck: 2 Pakistani lasog sa Cebu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang Pakistani national matapos na magbanggaan ang sinasakyan nilang minivan at kasalubong na tractor head truck sa panulukan ng highway ng Brgy. Guizo, Mandaue City, Cebu, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Fate Muhammad, driver ng Suzuki minivan at sakay nitong si Inayat Ullah; pawang 38-anyos.

Ang driver naman ng tractor head truck na nakabanggaan ng mga ito ay nakilalang si  Samuel  Chavez, 39 anyos ng Manapla, Negros Occidental.

Sinabi ni P/Lt Col. Mercy Villaro, spokesperson ng Mandaue City Police, nakapula ang traffic light nang biglang pumihit pakaliwa ang driver ng truck na nagresulta sa banggaan.

Sa lakas ng pagkakabangga, nayupi ang minivan na sinasakyan ng dalawang Pakistani na nagtamo ng matin­ding sugat sa kanilang mga katawan.

Ang dalawang dayuhan ay mabilis na isinugod sa pagamutan pero kapwa binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Isinailalim sa kustodya ng Mandaue City Police ang driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to two counts of homicide at damage to property.

PAKISTANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with