^

Bansa

VP Sara ‘walang modo’ - Palasyo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
VP Sara ‘walang modo’ - Palasyo
Vice President Sara Duterte
Facebook

Sa pagtawag na ‘walanghiya’ si Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Binuweltahan ng Palasyo si Vice Pres. Sara Duterte sa mga pahayag nito na walanghiya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, na ang salitang “walanghiya” ay tamang description hindi sa Pangulo kundi sa mga alam nating mamamatay tao, may mga assassin na kinomisyon para pumatay ng kalaban. Gayundin sa mga nanakot ng mga tao sa bar at sa mga gumagawa ng fake news laban sa iba para palitawing sila ang tama at makabayan.

Puna pa ni Castro kay VP Sara kapag walang script na binabasa, ay walang modo at lumalabas ang totoong anyo. “Ang Bise Presidente kapag walang script na binabasa, walang modo. Lumalabas ang totoong anyo,” saad pa ni Castro.

Ang reaksyon ni Castro ay kaugnay sa pahayag ng Bise Presidente na hindi niya nais na mapatalsik ang Pangulo sa puwesto dahil gusto niyang makita ng taong bayan hanggang sa dulo kung gaano kawalanghiya si Marcos.

“Hindi ko gusto agawin ‘yung posisyon ni Bongbong Marcos. Gusto ko makita ng taong bayan hanggang sa dulo kung gaano ka walang hiya si BBM,” naunang pahayag ni VP Sara.

“Huwag magpakaplastik at magbait-baitan. Huwag na siyang magkunwari dahil ang mga kaalyado niya ang nagpupursige sa isang destabilization,” pasaring pa ni Castro.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with