Pre-trial conference sa VP Sara impeachment sa Hunyo 18 na
MANILA, Philippines — Itinakda na ng Senate impeachment court ang pre-trial conference sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte sa Hunyo 18.
Ayon kay Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, na kabilang sa prosecution team, isa itong malaking hakbang sa proseso sa estado ng pagpiprisinta ng mga ebidenya at mga testigo ng magkabilang partido.
Sinabi ni Ridon na natanggap na ng prosecution panel ang notice ng pre-trial conference nitong Hunyo 9 na nilagdaan ni Acting Senate President at Presiding Officer Sherwin “Win” Gatchalian.
Samantalang inatasan naman ng impeachment court si VP Duterte at ang public prosecutors ng Kamara na dumalo sa pre-trial conference sa Hunyo 18, 2026 dakong alas-9 ng umaga sa Sen. C.M. Recto Room ng Senado.
Alinsunod sa abiso, sinabi ni Ridon na ang mga partido ay maaring personal na dumalo o sa pamamagitan ng kanilang mga legal counsels na inaasahang tutugunan ang mga isyu sa pre-trial kabilang ang pagmamarka ng mga dokumento, tunay na ebidensya pagtukoy sa mga testigo at pagtatakda ng mga petsa para sa paglilitis, presentasyon ng ebidensiya at iba pa para sa patas at masusing paglilitis.
Sa isyu naman ng seguridad, ang impeachment court ay hindi muna ihahayag ang mga pagkakakilanlan ng mga testigo at detalyeng ilalahad ng mga ito hanggang sa aktuwal na presentasyon.
“The Pre-Trial Conference proceedings shall not be open to the media or public,” dagdag pa sa abiso.
- Latest























