^

Metro

Defensor ‘namudmod’ ng tig-P5 milyon sa 18 ex-Marines - NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag kahapon na pinagbibigyan ni dating Congressman Mike Defensor ng tig-P5-milyon ang 18 nagpakilalang ex-Marines upang tumestigo sa maanomalyang flood control projects.

Sinabi ni Matibag sa pulong-balitaan na isang impormante ang kusang nagbigay ng mga impormasyong hinggil sa natanggap umano ng isa sa 18 ex-Marines na ama ng kanyang live-in partner kung saan sila ay may isang anak.

“May allegation na may binayad at pina­ngalanan, si dating Congressman Mike Defensor na siya ‘yung nag-offer ng halaga, ‘yung P5 million para maging testigo nga, lumabas, mag-press conference,” ani Matibag.

Ikinuwento rin umano ng impormante na sa una ay P700,000 ang ibinigay at ang mga sumunod ay “in tranches”.

Nagpalabas na rin ng subpoena ang NBI laban kina Defensor at ex-Marines na binanggit ng impormante upang magbigay-linaw sa nasabing alegasyon.

Una nang ipinatawag ng NBI ang 18 dating Marino para sa kanilang testimonya, ngunit lima lamang umano ang lumag­da matapos pigilan ng kanilang abogado na si Atty. Levito Baligod ang iba pa.

Matatandaang noong Pebrero 24, 2026 nagpakilala ang grupo bilang umano’y mga bagman ni dating Congressman Zaldy Co at nagsabing naghatid ng ilang maletang may lamang pera sa iba’t ibang personalidad.

MELVIN MATIBAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with