^

Bansa

1 million Pinoy naghain ng COC para sa 600,000 posisyon sa Brgy. /Sk elections

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
1 million Pinoy naghain ng COC para sa 600,000 posisyon sa Brgy. /Sk elections
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Officer in Charge Secretary Eduardo Año, patunay lamang na ang mataas na turn-out ng mga nagsumite ng COC ay maraming Pinoy ang nakikiisa sa nais na pagbabago sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Umaabot sa isang milyon na mga Pinoy ang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para tumakbo sa 600,000 posisyon sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa darating na Mayo 14, 2018.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Officer in Charge Secretary Eduardo Año, patunay lamang na ang mataas na turn-out ng mga nagsumite ng COC ay maraming Pinoy ang nakikiisa sa nais na pagbabago sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“This is a good indication that Filipinos are now more proactive and would like to take the lead in initiating change in their respective communities,”  ani Año.

Ang pagsusumite ng COC’s ay nagsimula noong Abril 14  hanggang Abril 20 na siyang itinakda ng Comelec pero pinalawig pa ito hanggang Abril 21.

Nabatid sa opisyal na hanggang Abril 20, 2018 ay nakatanggap ang Comelec ng 1,070,991 COCs para sa posisyon ng Brgy. at SK elections. Sa nasabing bilang ay nasa 684,785 ang tatakbo sa puwesto sa Barangay habang nasa 386,206 naman sa SK.

“The DILG has been pro-actively helping the Comelec in the information, communication and education campaign for people to help create meaningful change at the barangay level by participating in the elections”, anang Kalihim.

Inihayag naman ni DILG Spokesman and Assistant Secretary Jonathan Malaya ang malaking bilang ng mga aspirante sa Brgy. at Sangguniang Kabataan (SK) polls  dahilan magbibigay ito ng pagkakataon na makapamili ng mga kandidatong iboboto.

Nabatid na gaganapin  ang Brgy. and SK elections sa nasa 40,000 Barangays sa buong bansa  maliban sa Marawi City dahilan patuloy ang rehabilitasyon sa lugar kung saan hold over muna ang posisyon ng mga Brgy. officials sa lugar.

CERTIFICATE OF CANDIDACY

EDUARDO AñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with