^

Probinsiya

Tserman na re-electionist, nilikida

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tila hindi na muling pina­yagang makatakbo sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan election sa darating na Mayo 14 ang isang incumbent kapitan na lider din ng isang samahan ng mga barangay chairman matapos siyang pagbabarilin kamakalawa ng hapon sa Monkayo, Compostela Valley.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa dami ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Barangay Banlag Chairman Danilo Daanton, nasa hustong gulang.

Sa imbestigasyon ng pulisya na pasado alas-5:00 ng hapon ay katatapos lang maglaro ng basketball ang biktima at sakay ito ng kanyang motorsiklo pauwi sa kanilang bahay.

Pagdating sa Golden Plains Subdivision, Purok 5 ay hinarang ito ng hindi pa mabilang na suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril.

Malaki ang hinala ng pulisya na ang motibo ng pamamaslang sa biktima ay may kaugnayan sa nalalapit na barangay elections.

Kinondena naman ng mga miyembro ng Liga ng mga Barangay sa Monkayo ang ginawang pagpatay kay Daanton na isa rin dating myembro ng Sangguniang Bayan.

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with