^

Metro

DSWD employee, pinatay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Nanabunot ng tindera

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang  isang empleyado ng Department of Social Welfare and Development matapos nitong sabunutan ang tindera na binilhan nito ng sigarilyo sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Jomanie Nebres  Mendiola, 30-anyos, maintenance ng DSWD at  residente ng No. 36 Riverside, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang insidente ay naganap dakong ala-1:00 ng madaling araw sa tindahan na pag-aari ni Marie Patugallan sa No. 815 Riverside Unit 3, Brgy. Commonwealth ng nasabing lungsod.

Bago ang insidente ay bumili  ng alak kay Patugallan ang pinsan ng biktima na nakilalang si Princess Castillejos. 

Makalipas ang ilang minuto ay dumating naman ang biktima upang bumili ng sigarilyo sa nasabi ring tindahan.

Habang bumibili ay nagsalita umano si Mendiola nang masasakit laban kay Patugallan sa hindi malamang dahilan kaya nagkaroon ng pagtatalo.

Sa gitna nang pagtatalo ng biktima at Patugallan ay dumating naman ang isa pang pinsan ng una na nakilalang si Janet Tajima at biglang sinabunutan ang nasabing tindera.

Tumulong din sa pag­sabunot ang biktima at dahil nag-iisa lamang si Patugallan ay humingi ito ng saklolo sa kanyang mga kapitbahay.

Matapos ay nagulat na lamang sila nang may sumulpot na isang lalaki at sinaksak si Mendiola at nang duguang bumagsak, ay mabilis na tumakas ang ‘di pa nakikilalang salarin.

Agad na isinugod sa   East Avenue Medical Center ang biktima subalit bina­wian din ito ng buhay sanhi ng tinamong mga saksak  sa katawan. 

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang naganap na krimen.

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

PINAGSASAKSAK H

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with