^

Pang Movies

Julio nagmakaawa kay P. Duterte!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Julio nagmakaawa kay P. Duterte!
Julio

Umaapela ang actor na si Julio Diaz, Mariano Regaliza sa tunay na buhay, kay Pangulong Rodrigo Duterte na kung patatawarin siya sa kasalanan niya ngayon ay tuluyan na siyang magbabago. Ma­ngiyak-ngiyak pa ang actor sa kanyang pananawagan sa pangulo mula sa pagkakakulong sa istasyon ng pulisya ng Meycauayan, Bulacan.

Makalipas lamang ang hatinggabi, noong Biyer­nes ng madaling araw ay natimbog si Julio, kasama ang isang kinilalang si Ronald Gomez sa kanyang tahanan sa Barangay Langka, Meycauayan, matapos na diumano ay pagbilhan ang isang pulis ng P500 halaga ng shabu. Nakuha kina Julio ang marked money na ibinayad ng pulis, apat na plastic ng hinihinalang shabu at iba pang drug paraphernalia.

Pero sa kanyang statement, pinanindigan ni Julio na siya ay gumagamit lamang at hindi pusher. Sinabi naman ng pulisya na matagal nang kabilang ang actor sa kanilang high value target simula pa lamang ng ipinatutupad na Oplan Tokhang. Isinuko ni Julio ang kanyang sarili noong una para linisin ang kanyang pangalan. Inamin niyang naka-gamit siya ng droga pero tinalikuran na raw niya iyon. Muli siyang sinubaybayan dahil maraming ang nagsusumbong na involved pa rin siya sa droga.

Nakakalungkot ang nangyaring iyan kay Julio. Isa pa naman siyang mahusay na actor. Hindi naman ganyan iyan eh, pero nagsimula naming marinig na gumagamit nga siya ng droga nang bumaba noon ang kanyang popularidad, at kumunti ang kanyang mga ginagawang pelikula.

Isa kasi sa dahilan kung bakit ang isang tao ay nagugumon sa droga ay kung wala siyang magawang iba. Pero kung iyan nga si-guro ay busy sa kanyang trabaho, hindi niya maiisip na gumawa pa ng ganyan dahil alam niyang makasisira sa kanyang career. Nalugmok lang iyan diyan dahil kailangan na rin siguro niya ng pera, at jobless siya.

James pinayuhang dasal ang ipantapat sa mga bintang ni Kris

Nakita namin ang ginawang pagbati ni James Yap sa kanyang anak na si James Jr., noong birthday nito. Sinabi ni James na mahal niya ang kanyang anak, at ano man ang mangyari ay siya ang tatay ng anak niya. Humingi rin siya ng paumanhin na hindi siya masyadong nagkakaroon ng panahon na bisitahin ang kanyang anak sa kasalukuyan.

Siguro hindi mo rin naman siya masisisi dahil sa kanyang trabaho. Kailangan din niyang asikasuhin ang kanyang isa pang anak, si Mj, at ang girlfriend niyang buntis na ulit ngayon, si Michaela. Noong mabasa namin iyon, ang pumasok sa isip namin ay hindi man siguro magampanan nang husto ni James ang pagiging tatay ng kanyang anak dahil sa sitwasyon nila, naroroon iyong sincerity niya sa pagsasabing ano man ang mangyari, siya ang tatay ng anak niya.

Pero iba ang naging dating noon sa dati niyang asawa, na inakusahan pa siyang manggagamit at kung anu-ano pa dahil sa kanyang ginawang message para sa kanyang anak.

Sa palagay namin, pagkatapos niyan ay magtatanda na rin si James, baka ni hindi na niya banggitin ang kanyang anak dahil napapasama pa siya eh.

Siguro nga mas mabuting sarilinin na lamang niya ang pagmamahal sa kanyang anak dahil kung sasabihin pa niya iyon sa ibang tao, baka may magmura na naman sa kanya.

Siguro naman hindi na kailangang mag-react pa si James. Magdasal na lang siya at magpasalamat sa Diyos, after all ibinigay naman sa kanya ang lahat, at maligaya na siya sa kanyang buhay. Hindi na niya dapat guluhin ang kanyang buhay sa mga walang kuwentang usapan. Manahimik na lang siya mas makabubuti pa, paghandaan niya ang panganganak ni Michaela ng kanilang baby girl.

 

vuukle comment

JULIO DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with