^

Probinsiya

Magsasaka inutas ng katomaan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay, Philippines — Patay ang isang 49-anyos na magsasaka nang pagtatagain ng kanya mismong kainuman sa Brgy. Madao sa bayan ng Uson, Masbate kamakalawa ng madaling araw.

Namatay noon din dahil sa malalim na mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Rolly Bajande habang pinaghahanap na ang tumakas na suspek na si Freddie Del Valle, isang habal-habal driver at pawang residente ng nasabing barangay.

Ayon mismo sa pahayag ng kapatid ng biktima sa mga otoridad na si Minda Bajande, nakikipag-inuman umano ang kanyang kapatid kay Del Valle at sa isang nagngangalang “Todoy” nang biglang magtalo ang dalawa na nagresulta sa pananaga.

Dahil sa takot, walang nakasaway sa pananaga ng suspek hanggang duguang bumulagta ang biktima.

vuukle comment

MAN STABBED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with