^

Police Metro

P10-M shabu nakuha sa tanod

Lordeth Bonilla - Pang-masa
P10-M shabu nakuha sa tanod

Buy bust sa Taguig City...

MANILA, Philippines — Inaresto ang isang barangay tanod matapos mahulihan ng P10-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation sa Barangay Maharlika, Taguig, kahapon.

Nasa 2 kilo ang droga na nakuha sa 35-anyos na suspek na kinilalang si Suwaib Mamalangkay, tanod  ng Brgy. Central, Bicutan at naninirahan sa Maharlika Village ng nasabing lungsod.

Nang aktong iabot na ni Mamalangkay ang nasabing droga ay dito na siya dinakma.

Nasamsam din sa suspek ang isang granada, isang kalibre .45 na baril at mga drug paraphernalia.

Base sa report, alas-7:00  ng umaga nang magkasa ng buy bust operation ang mga pulis sa nasabing lugar at isa sa mga pulis  ang nagpanggap na bibili  ng 50 gramo ng shabu,  na nagkakahalaga ng P30,000 sa suspek.

Itinuturo ang suspek na lider ng Mamalangkay group na sangkot sa ilang insidente ng pagnanakaw, carjacking at gun-for-hire.

Ayon kay Director Tomas Apolinario, hepe ng Southern Police District na ang suspek ay idinadawit din sa pagpatay sa misis nito. Naaresto ito noong 2015 sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder, subalit nakalaya.

Ayon kay Apolinario, matagal nang minamanmanan ang suspek at nang makatanggap din sila ng impormasyon hinggil sa aktibidades nito ay dito na ikinasa ang drug-bust operation laban dito.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with