^

Police Metro

Bus na nahulog sa bangin sa Mindoro galing junkshop

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bus na nahulog sa bangin sa Mindoro galing junkshop
Ayon kay Hilbert Napat, owner ng Dimple Star mula sa chop chop at nabili nila sa junkshop ang naaksidente nilang bus kamakailan.
PDRRMO, Mindoro Occidental via AP

MANILA, Philippines — Inamin ng may-ari ng Dimple Star Transport na nahulog sa isang bangin sa Occidental Mindoro noong Marso 20 na ikinasawi ng 19 katao na galing sa junkshop ang unit na bus.

Ito ang lumabas sa pagdinig ng mga opisyales ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa naturang aksidente.

Ayon kay Hilbert Napat, owner ng Dimple Star mula sa chop chop at nabili nila sa junkshop ang naaksidente nilang bus kamakailan.

Anya, kinumpuni lamang nila ang bulok na bus at kinondisyon ang makina nito at saka pininturahan kaya nagmukhang bago.

Sinabi ni Napat na noong taong 2009 ­unang pumasada ang bus at na­bigyan ng road worthy certificate ng Land Transportation Office (LTO) kaya’t nabigyan ng plakang TYU-708.

Sinisi din ni Napat ang tilamsik ng tubig dagat sa kanilang bus habang sakay ng Roro papuntang Visayas kaya’t mabilis na nabubulok ang bahagi ng sasakyan.

Kaya’t sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na dahil sa paha­yag ni Napat ay kailangan nang pabilisin ang pagpapatupad ng transport modernization sa bansa upang maiwasan ang isa pang trahedya kagaya nang nangyari sa Dimple Star bus unit at tuluyang mawalis ang mga bulok na sasakyan.

Patuloy pa ring suspendido ang operasyon ng Dimple Star hangga’t hindi nila naisasaayos ang ginawang paglabag sa LTFRB rules.

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with