^

PSN Opinyon

Kadamay di dapat ibenta ang mga bahay nila

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

SA wakas unti-unti nang lumalabas ang tunay na motibo ng Kadamay sa kanilang inokupahang mga bahay sa Pandi at San Jose del Monte, Bulacan. Magpasalamat sila  dahil tuluyan ng binigay sa kanila ni Pres. Digong Duterte ang inagaw nilang bahay na para sana sa mga pulis at sundalo. Kung ating susuriin mas may karapatan ang mga kawal ng gobyernong tumira roon sa mga pabahay­ dahil sila ang sumusuong sa giyera upang ipagtanggol ang ating bansa, nagpapalaganap ng kapayapaan at ka­ayusan samantalang itong mga Kadamay ay mga salot ng lipunan.

Hindi pa man lumipas ang taon may miyembro na ng Kadamay na nagbenta ng bahay. Hindi kaya ginagawa na nilang negosyo yan? Mang-aagaw ng bahay tapos pag lumaon ibebenta nila. Todo tanggi ang mga miyembro at mapapatunayan daw nilang hindi totoo. Ano yan bahagi rin ba ng laganap na fake news yan? Puwede bang magsinungaling ang video? Kitang-kita naman ang pag-uusap ng isang miyembro ng Kadamay at ng buyer. Asan na ang mga taga-NHA? pagkakataon n’yo na itong imbestigahan. Huwag n’yong tantanan ang mga Kadamay na yan upang hindi na sila makapang-agaw pa ng bahay.

Doblehin ang pagbabantay sa mga ipinapatayong pa­bahay ng gobyerno upang hindi na maulit ang mga pang­­yayaring basta na lamang sumusugod ang mga Kadamay at sapilitang titirahan ang hindi nila pag-aari. Maraming mahihirap na pamilya ang dapat makinabang sa mga libong pabahay ng gobyerno. Kamakailan lamang may 550 pamilyang sapilitang binigyan ng susi sa kanilang bagong bahay na galing din sa isang squatter area sa Caloocan, nilipatan na kahit hindi pa tapos baka maunahan daw sila ng mga Kadamay.

Mukhang natameme ang mga pulitikong sumusuporta sa grupong Kadamay. Ano kaya ang masasabi nila kung inumpisahan ng ibenta ang mga housing unit na inokupa?

BAHAY

DIGONG DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with