^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag iboto mga sangkot sa droga

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag iboto mga  sangkot sa droga

NAGSIMULA na noong Sabado ang pagpa-file ng candidacy ng mga kakandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14. Ayon sa Comelec, marami na ang nag-file ng kandidatura. Basta marunong bumasa at sumulat ay maaaring kumandidato. Ayon pa sa Comelec, hindi na raw kailangan ang biodata ng mga kakandidato.

Masyadong maluwag ang pagtakbo ng mga kandidato sa bansang ito. Basta marunong sumulat at bumasa ay okey na. Dapat mabago na ang kalakarang ito. Mayroong nagmumungkahing dapat nakatapos sa kolehiyo ang mga kakandidato sa election kasama ang mga tatakbo sa barangay. Hindi lang basta marunong sumulat at bumasa.

Isa pang dapat ipatupad ay isama ang man­datory drug testing sa mga tatakbong kandidato, lalo na ang mga tatakbo sa barangay elections. Sa dami ng mga sugapa o protector ng drug syndicate ngayon, hindi na nakakasiguro kung ang ihahalal ay sangkot sa illegal drugs. Mahalaga ang drug testing sapagkat dito pa lamang, malalaman na kung dapat ibasura ang kandidato. Mawawasak ang barangay kapag ang naiupo sa puwesto ay sangkot sa droga. Dapat ipaggiitan na ma-drug test ang mga kandidato.

Maski ang Department of Interior and Local Go­vern­ment (DILG) ay nananawagan sa mamamayan na mag-ingat sa pagpili ng kandidato. Piliin ang mga kandidatong hindi sangkot sa droga. Sabi ng DILG, hindi lamang mabuting kandidato ang dapat iboto ng mamamayan kundi pati ang kandidatong marunong lumaban sa mga nagpapakalat ng droga. Kailangan daw ay kandidatong matapang na isiwalat ang mga sangkot sa droga. Hindi natatakot na sabihin na mayroong drug pushers sa lugar. Kung ang isang kandidato raw ay walang kakayahan na labanan ang droga, huwag na lang tumakbo.

Tama ang DILG, ang mamamayan ay dapat ma­ging alerto at nag-iisip sa pagpili ng ibobotong opis­yal sa barangay. Huwag basta-basta magsusulat sa balota at baka ang maisulat ay sangkot sa droga.

FILE NG CANDIDACY

SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with