Pasaway na pasahero ng MRT, kakasuhan
Mga sasandal, pilit magbubukas ng pinto...
MANILA, Philippines — Inatasan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pamunuan ng MRT na kasuhan ang mga pasaherong sasandal o pilit na magbubukas sa pintuan ng tren.
Nitong Biyernes, nasa 1,000 pasahero ng MRT ang pinababa matapos magkaroon ng “door failure” ang isang southbound na tren dahil sa pagsandal o sapilitan umanong pagbubukas sa pinto nito.
Ito ang unang unloading incident na naitala simula Abril 2 o sa loob ng 11 araw.
“There was someone who put pressure on the door. Pinilit na pumasok habang sarado na. It’s not about parts, it’s about this passenger. My instruction, identify this person,” sabi ni Tugade sa isang business forum sa Pampanga.
“From now on, lahat ng mahuhuling sumasandal o nagpipilit magbukas ng pinto ng tren kahit sarado na, kasuhan! I told MRT to file cases and collect damages from them. Maraming naaabala dahil sa kawalan ng disiplina.”
Nitong nakalipas na mga araw, ipinagmalaki ng pamunuan ng MRT na umakyat na sa 15 hanngang 17 ang bilang ng mga tumatakbong tren matapos ang pagdating ng bagong spare parts at general maintenance noong Semana Santa.
- Latest