Sa Piling ng Kalapati(113)
HABANG nakasakay sila sa inarkilang van, ay excited si Keiko sa pagkukuwento ng kanyang buhay noong siya ay maliit pa at ang mga grandparents nito ang nag-aalaga sa kanya. Hindi raw nagkukuwento ang kanyang grandparents tungkol sa katauhan ng ina. Basta walang binabanggit kaya naman wala siyang ideya ukol sa ina, kay Mommy Donna.
Ang tanging nag-bigay sa kanya nang pagkikilanlan sa kanyang ina ay ang kanyang Daddy na si Toshi. Isang retrato raw ang ibinigay ng Daddy niya sa kanya at laking tuwa niya sapagkat iyon ang picture ng kanyang Pilipina Mother na nagngangalang Donna. Kaisa-isang picture daw iyon na pinaka-ingat-ingatan niya.
Para mapaniwala si Mommy Donna, may kinuha si Keiko sa kanyang bag. Nakalagay sa isang white envelope. Iniabot sa kanya.
‘‘Eto ang picture mo Mommy. Only picture that Dad gave me when I was 13 years old. You’re so beautiful, Mommy.’’
Sabik na tiningnan ni Mommy Donna ang picture. Gusto niyang mapaiyak sapagkat ang picture ay kuha sa Rizal Park. Mga 18 years old siya noon. Natatandaan niya nagpunta sila sa Luneta kasama ang ilang kaibigan at nagpakuha ng picture sa mga park photographer.
Ang picture na iyon ay ibinigay niya kay Toshi noong sagutin niya. Nasa isang bar pa siya noon sa Tokyo kung saan dun siya nakilala ni Toshi.
“Ma-gan-da ka Mommy,’’ sabi ni Keiko habang nakatingin sa ina.
‘‘Same-same tayo, Keiko! Pareho tayo beautiful!’’
Napahagikgik si Keiko. Aliw na aliw siya sa kanyang mommy.
Gusto raw ni Keiko ng mga Pinoy foods kaya nagluto si Mommy Donna. Patitikimin niya ng adobong baboy ang anak.
Sarap na sarap si Keiko nang kumakain na sila.
‘‘You like my luto Keiko. That’s adobong baboy.’’
“Ma-sa-rap Mommy. I like it!’’
“Salamat Anak. Baka gusto mo rin ng Ramen, ibibili kita.’’
“No! No! I like Pinoy cuisine!’’
Natuwa si Mommy Donna. Nananalaytay nga sa dugo ni Keiko ang pagka-Pilipino.
(Itutuloy)
- Latest