^

Punto Mo

10 ‘Hiding Spots’ na tinitingnan ng Akyat-Bahay

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

HUWAG mong itatago ang iyong mga kayamanan sa mga sumusunod na lugar sa loob ng inyong bahay:

Sa ilalim ng kama. Karaniwang sa master bedroom ang first stop ng mga magnanakaw kaya huwag magkakamaling itago ang pera sa ilalim ng kama.

Bedroom closet. Naalaala ko noong pinasok ng magnanakaw ang aming bahay na walang tao sa probinsiya—nag-concentrate ang mga ito sa aming closet dahil nadatnan ng mga pulis na nagkalat ang mga damit sa master bedroom.

Dresser drawer. Karaniwang dito itinatago ang mga alahas para mabilis lang itong kuhanin pagkatapos magbihis.

Portable safe. Mabilis buhatin at itakbo. Safe ang safety box kung ito ay nakadikit sa pader at sahig.

Medicine cabinet. Kabisado na ng magnanakaw ang istilong ilalagay sa bote ng gamot ang hikaw at singsing kaya isa ito sa binibisita nila.

Sa box ng hotcake na nasa pantry. May isang  pangyayari na pati groceries ay binitbit ng magnanakaw kaya nakuha rin ang mga alahas na itinago sa box ng hotcake.

Huwag itatago ang passport at iba pang mahahalagang documents sa office drawer. Ang delikadong nakawin ay ang inyong identity.

Decorative vase.

Liquor cabinet. Delikado, hindi lang sa magnanakaw kundi sa anak na teen-agers kapag naghahanap ng maiinom na alak. Hindi nga  nanakawin ng inyong anak ang nakatago dito pero baka maitapon o maiwala dahil hindi sila ‘aware’ sa inyong itinago.

Maleta.

Ang tanong, saan dapat itago ang kayamanan? Depende sa inyong pagiging creative. Halimbawa: sa medyas at ilagay sa ilalim ng furniture or sofa na mabigat at hindi agad makakayang iusod. Pero dahil isinulat ko na dito, alam na ng magnanakaw.

Next: Signs na kaakit-akit akyatin ang inyong bahay.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with