^

Kutob

Abril 14, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) – Sipag at matinong pag-iisip ang puhunan para umunlad. Ang madalas na pagwawalang-bahala ay g baguhin. Kung makakarinig ng salita na laban sa sarili, makakabuti na huwag ng mag-react para makaiwas sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 24, 38 at purple. 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Walang problema sa pag-ibig. Magaan ang pakiramdam, subalit bigyang-pansin ang kapakanan ng kalusugan dahil mahina ang resistensiya. Iwasan ang pag-abuso sa kalusugan. Tamang pahinga at pagkain ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 26, 33, 44 at yellow. 

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Walang nakakasiguro tungkol sa negosyo. Akyat-baba ang benta subalit huwag mawalan ng pag-asa dahil makakabawi. Iwasan ang mangutang o magpautang. Tutukan ang budget ng mapagkasya sa mga kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 19, 23, 32, 43 at red. 

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Malaki ang tsansang makatagpo ang soulmate o twin-flame. Kung sakali, muling tumibok ang puso, siya na ang perfect partner. Kung may manliligaw, gawaan ng paraan na hindi makawala dahil maaaring siya  na ang prince charming mo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 25, 34 at peach.  

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Kung may hinihintay, darating maliban ang tungkol sa pag-ibig at pera. Upang hindi magsisi sa desisyon, pag-isipan at pag-aralan ng mabuti bago pumalaot. Subukan ang iyong pagtitimpi sa pinapasukan o sa tahanan na dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ay 24, 27, 33, 42 at lilac. 

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Ang balak na pagbiyahe ay ipagpaliban dahil malapit ka sa aksidente ngayon. Kung ang trabaho ay nasa labas ng bahay, mag-ingat at iwasan ang maglakad kung walang mahalagang sadya. Lalong mainam kung ang gagawing bahay ang pag-uukulan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 28, 36 at white. 

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) –  Abala sa pinapasukan at maging sa tahanan. Daranasin ang kapaguran sa gabi, subalit kaligayahan ang madarama dahil sa dami ng matatapos. May suliranin tungkol sa anak, pero madaling matutugunan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 26, 38, 40 at fuchsia.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – May oportunidad na darating kaya tiyakin na laging bukas ang linya ng komunikasyon para hindi makaalpas. Kung may pinag-uusapan na transaksiyon sa mga nagdaang araw, ngayon mabuo. Ang desisyon kung gagawin ngayon, walang palpak. Lucky numbers at color for the day ay 5, 21, 29, 42 at tangerine.  

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung may nawalang gamit sa tahanan, walang ibang kumuha kundi kasamahan. Kung alahas o pera ang nawala, malabo nang maibalik. Kapag umalis ng bahay, huwag magsuot ng mahalagang alahas o magdala ng malaking pera. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 4, 19, 30, 37 ay blue.  

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung gipit sa pinansiyal, madaling matutugunan ng kamag-anak o kaibigan. Makaka-asa ng tulong sa kaibigan o kamag-anak. Kung masagana, ikaw ang makapagbibigay ng tulong. May dahilan para makapagpayo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 32, 42 at beige. 

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Labanan ang maging masungit at pagkamagagalitin dahil hahadlangan nito ang lumalandas na suwerte. Kung magiging mahinahon, kahit may suliranin ang tamang solusyon ay madaling mahahagilap. Malamang mabayaran kung nagkautang o may magbabayad ng utang. Lucky numbers at color for the day ay 29, 31, 38, 43 at brown.PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Nasa tamang landas ang kaunlaran, kaya lang ang paminsan-minsan na negatibong pag-iisip ay tinik na magpapabagal sa dating ng grasya. Maging positibo at tiyak mabilis ang positibong resulta. Kung ano ang binabalak, gawin. Sugod at simulan kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 23, 37, 40, 45 at emerald green.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with