Para Happy ang Life...
Mahirap baliin ang kinagawian lalo na ang unhealthy habits. Isang paraan na ma-overcome ang obstacle ay palitan ang maling pananaw at magpokus kung ano ang mas mahalaga sa iyo tulad ng pamilya at kaibigan.
Unang hakbang sa pagkakaroon ng healthy life ay i-acknowledge ang mga taong tumulong sa iyo along the way. Maging ito ay mula sa pamilya na maaari ang uncle na nagsimula ng family business o mentor na tumulong na mahasa ang career mo ngayon. Tandaan na laging magpasalamat sa mga taong nakakasalamuha na kailangan din minsan na lumingon sa pinanggalingan. Upang lalo maging magpakumbaba na ikaw ay minsan din nagsimula sa mababa at wala.
Mag-build din ng buhay na nagbi-blend ang trabaho at pamilya. Walang masama sa pagiging masipag, pero hindi dapat ipagpapalit ang lahat lalo na ang pamilya. Mag-schedule ng oras para sa family at kaibigan na kasing importante rin ng trabaho at negosyo. Kung nahihirapan ng healthy balance, magkaroon ng rule na siguraduhin na kasama ang loved ones kapag dinner time na kasalo ang pamilya. Puwede rin isama ang pamilya sa iyong business world. Turuan ang anak o asawa patungkol sa iyong trabaho. Puwedeng humingi ng advice mula kay misis o mister sa task na dapat mong gawin. Kailangan lang balansehin ang work at pamilya, para maging happy lalo ang life.
- Latest