Dengvaxia report kinuwestiyon ng LP
MANILA, Philippines — Kinuwestyon ng Partido Liberal (LP) stalwarts ang timing nang pagpapalabas ng committee report sa isyu ng Dengvaxia, na maaari umanong hakbang upang pagtakpan ang mga kontrobersyang kinakaharap ng administrasyon.
“This is simply a smokescreen of the administration to hide the issues hounding its officials,” ayon kay dating congressman Erin Tanada, na ngayon ay vice president for external affairs ng LP.
“Why was the committee report released to the public before it has been filed or sponsored? Are not the signatures of majority of the committee members required before the report can be filed?” tanong ni Tanada.
“What happens to the report if the majority disagrees? Wala pang pirma eh,” dagdag nito, na sinang-ayunan ni Sen. Bam Aquino.
“Though this report has not been made available to the members of the Blue Ribbon Committee, if the final report reflects yesterday’s statements and political leanings, we will have serious concerns with the conclusions made,” wika ni Aquino.
Binigyang diin pa ng senador na walang batang namatay dahil sa Dengvaxia vaccine.
“Ang isang mahalaga na lumabas sa presscon kahapon ay wala pang napatutunayan na may batang namatay dahil sa Dengvaxia vaccine,” wika nito.
- Latest