^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (109)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SIYEMPRE anak mo si Keiko at ako’y ampon lang kaya ko nasabing baka hindi mo na ako mahal,” sabi ni Ruth.

“Siyempre naman mahal pa rin kita.’’
“Talaga?’’

“Oo naman. Para kang bata kung magtanong.’’

Nagtawa si Ruth at bumitiw sa pagkakayakap sa ina-inahan.

“Lumalambing lang ako ‘no?’’

“Hoy siyanga pala pagplanuhan na natin ang pagdating ni Keiko. Ano ang ihahanda natin sa kanya. Baka mapintasan tayo ng anak ko. Naipa­ngako ko pa naman na ipagluluto ko siya.’’

“Huwag na. Sa labas na lang tayo kumain. Maraming Japanese restaurant.’’

“Sabagay. Pero gusto raw niya ng lutong Pinoy. Ita-try daw niya ang adobong baboy.’’

“Sige yun ang iluto mo.’’

“Magkaintindihan kaya kami ni Keiko? Hindi na ako sanay sa Nihonggo.’’

“Nakakaintindi raw siya ng Filipino o Tagalog di ba? Tagalugin mo siya, ha-ha-ha!’’

“Sabagay mabilis daw siyang matuto.’’

“Ipapasyal natin sa maraming lugar, Mommy. Dalhin natin sa Palawan at sa Baguio.’’

“Sige. Gusto ko hindi masayang ang pag-stay niya rito.’’

“Hindi masasayang dahil ipapasyal natin siya.’’

“Okey na siyang tumira rito sa condo natin ano?’’

“Oo. Dun siya sa kuwarto at dito tayo sa salas.’’

“Oo nga. Dito na lang siya.’’

“Mas masaya kung sama-sama tayo rito sa condo.’’

“Excited na ako, Ruth. Gusto ko dumating na si Keiko.’’             (Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with