Pons may pinatunayan
MANILA, Philippines — Isa si Bernadeth Pons ng Far Eastern University sa mainit na kandidato sa MVP race sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament.
Pinatunayan ni Pons na karapat-dapat itong mapabilang sa mga pinagpipilian matapos maglatag ng impresibong performance sa kanilang mga nakalipas na laro upang tulungan ang Lady Tamaraws na makuha ang Final Four slot.
Kaya naman nasungkit ni Pons ang UAAP Player of the Week recognition kung saan tinalo nito sina National University middle blocker Jaja Santiago, University of the Philippines wing spiker Tots Carlos, La Salle opposite hitter Kim Kianna Dy at Ateneo open spiker Kat Tolentino.
Nagtala ang FEU skipper ng 15.4 average points per game.
Maliban sa kanyang opensa, matikas din ang depensa ni Pons.
Kasalukuyan itong nasa ikatlo sa receiving (44.88 percent reception efficiency) at digging (3.84 digs per set).
Sa five-set victory ng Lady Tamaraws sa Adamson Lady Falcons noong Sabado, nagtala si Pons ng triple-double na 22 points, 23 digs at 24 excellent receptions.
- Latest