^

Metro

Mag-live-in partner arestado sa abortion

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang isang mag-live-in partner na nagtulong para tangkaing ilaglag ang kanilang anak sa sinapupunan ng babae, Huwebes ng umaga sa Malabon City.

Kasong frustrated abortion ang isinampa laban kay Angelica Garcia, 22, dating receptionist, at sa live-in partner niyang si Paul John Michael Ignacio, 28, kapwa naninirahan sa Kagitingan Street, Brgy. Muzon, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 kamaka-lawa ng tanghali nang itawag sa kanila ng security ng San Lorenzo Ruiz Women’s Hospital sa may Brgy. Santulan, Malabon City ang isang insidente ng tangkang pagpapalaglag ng isang pasyente na isinugod sa kanilang pagamutan.

Sa imbestigasyon, nabatid na sadyang nagpabili si Garcia ng Cytotec pills kay Ignacio sa pagnanais na ilaglag ang dinadalang anim na buwang sanggol sa sinapupunan.

Ininom ni Garcia ang dalawang pills nitong gabi ng Pebrero 14 at umaga ng Pebrero 15 at inilagay ang dalawa pa sa loob ng kanyang ari. Matapos nito, nakaramdam ng matinding pananakit ng puson si Garcia kaya isinugod na siya sa nabanggit na pagamutan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with