^

Bansa

Kongreso ang bahala kay Sereno

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Kongreso ang bahala kay Sereno
Sinabi ni Rep. Veloso, vice-chairman ng House Committee on Justice, puwedeng sibakin sa puwesto ni Pangulong Duterte si Sereno dahil isang SALN lamang ang naisumite nito sa Judicial and Bar Council (JBC) ng kandidato pa lamang ito para maging pinunong mahistrado ito ng SC noong 2012 kung saan ay miyembro siya ng JBC panel.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV, File

MANILA, Philippines — Ipinauubaya ng Mala­cañang sa kamay ng Kongreso ang magiging kinabukasan ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno makaraang sabihin ni Leyte. Rep. Jing Veloso na puwedeng ito sipain sa puwesto ni Pangulong Duterte.

“We leave fate of the CJ Sereno to Congress,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon.

Sinabi ni Rep. Veloso, vice-chairman ng House Committee on Justice, puwedeng sibakin sa puwesto ni Pangulong Duterte si Sereno dahil isang SALN lamang ang naisumite nito sa Judicial and Bar Council (JBC) ng kandidato pa lamang ito para maging pinunong mahistrado ito ng SC noong 2012 kung saan ay miyembro siya ng JBC panel.

Nilinaw pa ni Veloso na sa desisyon ng SC noong 1963 ay sinasabing “if at the time of appointment, petitioner did not have necessary qualifications for the office...then he did not have the right to be there.”

“The most that the Chief Justice can claim is she has been a ‘chief justice de facto.’ The members of the Supreme Court cannot dismiss her; there should be a case but let her go to court and challenge the action of the President if the President recalls the appointment,” paliwanag pa ni Veloso.

Magugunita na kasalukuyang pinag-aaralan ng Kamara ang nakahaing impeachment complaint laban kay Sereno.

vuukle comment

MARIA LOURDES SERENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with